Advertisers

Advertisers

Cayetano: Bayanihan 1 at 2 imbestigahan!

0 396

Advertisers

MAHIGIT isang taon na mula nang dumapo sa buong mundo ang COVID-19 pandemic pero hanggang ngayon halos nasa grade school palang ang antas ng pagtugon ng ating bansa sa naturang krisis kumpara sa mistulang high school at college level na pag-aksyon ng ibang bansa upang labanan ang mapamuksang virus.

Ito mismo ang sinabi ni dating Speaker Alan Cayetano sa isang pulong balitaan sa Taguig City. Hindi nga naman maitatanggi na mistulang stuck’up parin tayo sa basic protocols upang maiwasan ang hawaan dahil mabagal at pakonti-konti ang pagdating ng bakuna sa ating bansa kasabay ng pagdedeliryo ng ating ekonomomiya at pang-kabuhayan ng ating mga kababayan.

Ito ang dahilan ng isasampang resolusyon ni Caye-tano sa kamara kasama ang kanyang mga kaalyadong kongresista ng call to action na “Back To Service” o “BTS” na naglalayong himayin at imbestigahan kung paano ginastos ng gobyerno ang pondong inilaan para sa Bayanihan 1 at 2. Nais kasi ni Cayetano na gamitin sa pagtalakay ng kongreso sa panukalang Bayanihan 3 ang mga tama o maling hakbang na nangyari sa pagpapatupad ng Bayanihan 1 at 2 na isinabatas sa ilalim ng liderato niya noon.



Ang sabi nga ni Cayetano: “Kung ano ang tama sa Bayanihan 1 and 2 kailangan sa Bayanihan 3. Kung ano ang mali, dapat i-correct; kung anong hindi nilabas na pondo, dapat sagutin ng gobyerno ’’. Isa na nga dito sa tinitingnan ng dating Speaker ay ang P4B na pondo ng DepEd sa ilalim ng Bayanihan 2 na dapat sana ay pambili ng mga tablet at laptop para sa mga estudyante na nasa ilalim ng online learning sa ngayon. Pero mahigit 8 months nang naisabatas ang Bayanihan 2 ay wala paring ipinamimigay na tablet at laptop ang DepEd. Anyare?

Katanong-tanong din kung ano ang mga programang hindi napondohan mula sa P23B na inilaan sa mga pamil-yang Pilipino nitong nagdaang NCR plus bubble bago nag-anunsyo ng ECQ ang palasyo. Nais ding tanungin ng grupo kung nagamit ba ang pondong inilaan para sa pagkuha ng 50,000 contact tracers para mapadali ang identification ng mga taong posibleng nahawaan ng COVID-19.

Oo! Kailangan talaga natin malaman kung ano ang mga pagkukulang sa pagpapatupad ng Bayanihan 1 and 2, kung meron man, upang magsilbing aral sa tatalakaying Bayanihan 3 na mas malaking stimulus package para sa ating mga kababayan. ‘Wag rin nating isipin na walang nangyaring mga anomalya sa sistema dahil ngayon palang may mga bulong-bulangan na tungkol dito. Pasasaan pa’t lulutang din ang mga ebidensya tungkol dito sa darating na mga araw. Ang mahalaga ngayon ay matugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino na nawalan ng trabaho at itinumba sa kahirapan ng COVID-19. Sa itinatakbo ng bakunahan sa bansa, malayo-layo pa at mahaba-haba pa ang susuungin na laban ng ating bansa lalo na, ayon kay Cayetano, hindi anti-COVID response ang 2021 national budget.

Hinikayat din ni Cayetano ang gobyerno na maglatag ng distribution plan ng bakuna sa buong bansa upang kalmahin ang isipan ng local government units na walang pondo para ipambili ng bakuna. Talaga nga namang sa panahon ngayon dapat paigtingin ang pagtugon sa problema ng ating bansa dahil sa pandemya. Extraordinary times calls for extraordinary measures.

House Speaker Alan Velasco, ‘wag kang patulug-tulog sa pangangailangan ng taongbayan. Mismo!

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">