Advertisers
INARESTO ng mga elemento nf Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang Brgy. Kagawad na lider ng sindikato makaraan makuhanan ng mga iba’t-ibang uri ng baril sa isinagawang raid sa Alangalang Leyte.
Nakilala ang inaresto na si Brgy. Kagawad Rhamir Vitanghos y Acusta, na di umamo lider ng Betanghos Group” na sangkot sa gun running sa Leyte.
Sa report, 8:30 ng umaga ng salakayin ng mga elemento ng CIDG Northern Leyte at Regional Intelligence Unit 8 ang bahay ni Vitanghos sa Brgy. Divisoria, Alangalangm Leyte.
Isinagawa ng mga otoridad ang operasyon sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Hon. Eligio P. Petilla, Executive Judge of Regional Trial Court, Br. 44, Tacloban City, Leyte.
Sasampahan si Vitangjos ng kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).(Mark Obleada)