Advertisers
DINUROG ng pamunuan ng Bureau of Corrections (BuCor) kahapon ang libo-libong electronic gadgets na nakumpiska mula sa mga selda ng mga preso sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.
Kabilang dito ang mga cellphone, laptop, signal booster, two-way radio, antenna, charger, wifi at marami pang iba.
Kung saan gamit ang isang baco nang durugin ng pamunuan ng BuCor ang naturang mga kontrabando.
Matatandaan na nitong nakaraang taon lamang, pinadurog din ni BuCor Director General Gerald Bantag ang libo-libong mga gadgets gamit ang pison.
Ngunit simula nito lamang Enero, nakasamsam na naman ang mga tauhan ng BuCor ng mga kontrabando mula sa mga inmates ng maximum security compound.
Sa kabila nang paghihigpit ng BuCor, patuloy na nakakapasok sa nabanggit na bilangguan ang mga kontrabando tulad ng mga electronic gadget. (Gaynor Bonilla)