Advertisers
PINANGUNAHAN ni Senador Christopher “Bong” Go, chairman ng Senate Committee on Health and Demography ang virtual launching ng ika-79 na Malasakit Center sa Laguna Medical Center sa Sta. Cruz Laguna.
Ito na ang ika-40 na Malasakit Center sa Luzon habang ika-anim naman sa CALABARZON
Binigyang-diin ni Go na ang Malasakit Center ay para sa lahat ng mga Pilipino lalo na ang mga mahihirap at vulnerable sector na nangagailangan ng tulong sa pagpapagamot.
Ipinaliwanag ni Go na layinin ng mga Malasakit Center na nagsisilbing one stop shop na maging mas madali ang paghingi ng tulong sa pagpapagamot ng mga mahihirap dahil pinagsama-sama sa iisang tanggapan ang mga kinatawan ng mga ahensiyang tumutulong gaya ng DOH, DSWD, PhilHealth at PCSO.
Pinaalalahanan din ni Go ang mga tao na huwag mag-atubiling lumapit sa mga Malasakit Center dahil ibinabalik lang naman sa tao ang nararapat na serbisyo para sa kanila.
Samantala, ibinahagi rin ni Go sa taumbayan na sinimulan na kahapon ang pamamahagi ng libreng face mask na programa ng gobyerno para mapalakas ang mask-wearing policy at makatulong din sa livelihood ng mga local makers nito. (Mylene Alfonso)