Advertisers
ARESTADO ang 29 katao ng mga pulis sa magkakahiwalay na operasyon sa Bulacan kabilang dito ang mga drug-user at pusher, sugarol at mga wanted person.
Sa report, nadakip sa buy-bust operations ng Drug Enforcement Unit ng Hagonoy, Malolos, Meycauayan, Guiguinto, San Rafael, Baliwag at Pandi ang mga suspek na sina Ryan Santos, Elizer Soco, Raymundo Trajano, Joselito Marasigan, Reynaldo de Guzman, John Marvin Gunda, Noelyn Joy Andrada, at pitong iba pa.
Samantala, arestado rin ang 3 wanted person sa isinagawang manhunt operations sa San Miguel, Malolos at Paombong.
Kinilala ang mga nadakip na sina Leonard Leonin y Caliwag, 31, ng Brgy Poblacion, San Miguel, sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide, Serious Physical Injuries and Damage to Property; Joelmar Ave y Cagado, 44 ng Brgy. Bulihan, Malolos sa 2 counts of Violation of BP 22; at Adel Alwatani y Samaniego, 29, ng Brgy. San Isidro 2, Paombong, sa kasong paglabag sa Section 5 (a) of RA 9262.
Habang 11 sugarol ang dinakip sa Obando, Santa Maria at Bulacan na nakumpiska sa mga ito ang iba’t-ibang gambling paraphernalias.(Thony D. Arcenal)