Advertisers
PANSAMANTALANG isasara ang Ospital ng Tondo, na matatagpuan sa Abad Santos Avenue sa Tondo, Maynila.
Ito ang kinumpirma ni Manila Mayor Isko Moreno ngayong Biyernes.
Paliwanag ng alkalde, ang desisyong isara muna ang Ospital ng Tondo, dahil sa tumataas na bilang ng kanilang health care workers na tinatamaan ng COVID-19.
Sinabi naman ni Dra. Myrna Paloma, ang direktor ng Ospital ng Tondo, sa kasalukuyan nasa 32 doctor at nurses ng Ospital ng Tondo na positibong sa COVID-19.
Payo naman ng lokal na pamahalaan sa mga residente na magtutungo sa Ospital ng Tondo, mas makabubuting sa ibang pagamutan na lamang muna magpunta gaya sa Gat Andres Memorial Medical Center o sa Justice Jose Abad Santos General Hospital.
Matatandaan na noong Mayo, labing apat na araw na isinara ang Ospital ng Tondo dahil din sa pagdami ng mga health care worker na nagkakasakit.(Jocelyn Domenden/Andi Garcia)