Advertisers

Advertisers

2 Rider todas sa salpukan ng motorsiklo

0 258

Advertisers

Patay ang dalawang rider matapos magsalpukan ang kanilang minamanehong motorsiklo sa Camarines Sur.
Kinilala ang mga namatay na sina Rodolfo Ortiz, 44, ng San Lucas, Calabanga; at Elison Cometa, 35, ng Brgy. Dominorog, Calabanga, kapwa sa Camarines Sur.
Sa report, 11:25 ng gabi nitong Huwebes nang maganap ang insidente sa Sto. Domingo, Calabanga.
Ayon sa ulat, minamaneho ni Ortiz ang pulang Honda XRM motorcycle na walang plaka patungong Brgy. San Lucas ng nasabing bayan habang sakay naman si Cometa sa Euro motorcycle sa kabilang linya.
Sa bilis ng pangyayari, bigla na lamang nagkasalpukan ang dalawa dahilan para tumilapon sila sa kalsada.
Kaagad dinala sa Bicol Medical Center sa Naga City ang mga biktima para lapatan ng lunas pero nalagutan ng hininga si Ortiz.
Sumunod na namatay si Cometa, 7:00 na ng umaga. (PTF team)