Advertisers

Advertisers

Claire aprubado kay Alice ang akting sa ‘Nagbabagang Luha’

0 530

Advertisers

Ni BKC

BIBIGYANG-buhay ng promising Kapuso actress na si Claire Castro ang role ni Legal Wives star Alice Dixson sa much-awaited TV adaptation ng ’80s blockbuster movie na ‘Nagbabagang Luha.’

Gaganap si Claire as Cielo Ignacio, ang mapusok at palaban na kapatid ni Maita Montaire na bibigyang-buhay naman ni Glaiza de Castro. Makakasama rin nila sa serye sina Rayver Cruz, Mike Tan, at Gina Alajar.



Inilabas na rin ang trailer ng upcoming Kapuso series na mapapanood ang iconic scene nina Alice at Lorna Tolentino na gumanap noon bilang sina Cielo at Maita.

Aprubado naman kay Alice ang ipinamalas na akting ni Claire, “Naaalala ko kung gaano ka-intense ang eksenang iyon. Pero dahil alam ko na napaka-talented mo Claire, you’re such a talented girl. I believe na mas kaya mo pang gawing mas intense ang eksenang iyon.”

Ang eksenang tinutukoy ni Alice ay ang pagmamakaawa ni Cielo na ‘wag kunin sa kanya ni Maita si Alex (Rayver) dahil ikamamatay raw niya ito. Sinagot naman siya ni Maita ng “Ipalilibing kita.”

Mas matitinding eksena pa ang dapat abangan sa pagitan nina Maita at Cielo sa pinakaaabangang GMA Afternoon Prime series na Nagbabagang Luha.

***



Thea Tolentino magkakasunod ang projects sa GMA

Mula raw nang tanghalin siyang Protégé Grand Champion noong 2012, sunud-sunod na ang acting projects ni Kapuso artist Thea Tolentino. Kaya naman, thankful siya sa GMA Network dahil kahit na may pandemic, hindi nito pinabayaan ang kanyang career.

Kuwento niya, “Sobrang swerte ko and sobrang happy ako na mula noong nanalo ako sa Protege, sunud-sunod ‘yung mga naging projects ko. Talagang mas nahasa ko pa ‘yung craft ko, iba pa rin ‘yung nagagamit mo ‘yung natutunan mo and skills mo sa trabaho mismo and sobrang thankful ako sa GMA for always trusting me with very amazing shows and roles. Sobrang blessed!”

Isa si Thea sa mga bibida sa upcoming GMA drama series na ‘Las Hermanas’ na makakatrabaho niya ang beteranong aktor na si Albert Martinez at mga kapwa Kapuso stars na sina Yasmien Kurdi at Faith Da Silva. Naging parte rin siya ng successful GTV primetime soap na ‘The Lost Recipe.’

***

 Pagpasok ni JM, inaabangan

YAM AT GERALD KINAGILIWAN NG MANONOOD SA PAGSISIMULA NG ‘INIT SA MAGDAMAG’    

AGAD na kinagiliwan ng manonood ang mga karakter nina Yam Concepcion at Gerald Anderson na parehas na nagpapakatatag sa laban ng buhay sa bagong serye ng ABS-CBN Entertainment na “Init Sa Magdamag.”

Puring-puri sila sa madiskarteng si Rita (Yam), na kahit hirap sa buhay ay nakakahanap pa rin ng paraan para matupad ang pangarap. Hindi nagpakita ng pagiging makasarili si Rita nang unahin pa niyang padalhan ng pera ang kapatid na si Khyle (Mark Oblea) na nakabuntis kaysa magbayad ng tution fee niya.

Sa kabilang banda, nakita naman ng viewers ang pagsisikap ni Tupe (Gerald) na kahit pasaway sa tingin ng lahat ay pursigidong maging isang doctor.

Sa dami ng papuri sa serye online, agad na nag-trending ang #InitNgUnangGabi nationwide.

“Saktong sakto ang timpla no? May tamang pakilig, may tamang pakurot din sa puso!! Lalo na dun sa part ng family ni Rita at yung nasagip nyang buhay. Kaya maraming maraming salamat sa mga nurses, doctors, at frontliners ngayong pandemya,” komento ni @AltiWantTFC.

“Ang bait na anak ni Rita pati ipon niya ibibigay nya sa pamilya niya #InitNgUnangGabi,” @TeamGeraldandJulia said.

Ani @PrincessFrance, “At naappreciate ko na bago ang major plot points, pinapakapit muna tayo ng #InitNgUnangGabi kina Rita at Tupe, and wants/goals nila as characters. Hindi mabagal, hindi mabilis… Tamang pacing lang, enough to sustain our interest.”

Samantala, sabik na rin ang netizens mapanood si JM de Guzman bilang si Peterson. “#InitNgUnangGabi yam is da best.. Papa @Jmdeguzman asan ka na ba??,” tanong ni @itsmetopheng.

Saad ni @allisonmallari, “Kelan kaya lalabas si Peterson? Mas maeexcite ako dun.  #InitNgUnangGabi.”

Iprinoduce ng Star Creatives ang “Init Sa Magdamag” sa ilalim ng creative management ni Henry Quitain at direksyon nina Ian Lorenos at Raymond Ocampo.

Panoorin ito gabi-gabi, 9:20 sa TV5 at A2Z channel sa free TV at digital TV boxes gaya ng ABS-CBN TVplus, sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel at Jeepney TV, sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. Sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel.

Pwede rin mapanood ang advance episodes nito sa iWantTFC o WeTV iflix.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.