Lito ‘di tumitigil sa pagkumbisi kay Coco na pumasok sa pulitika; Angel at Neil magbabawas ng bisita sa kasal dahil sa pandemic
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
MALAKI ang paniniwala ni Lito Lapid na malaki ang tsansa ni Coco Martin na ma-invade ang mundo ng pulitika.
Kaya naman hindi tinitigilan ni Lito sa pagkumbinsi ang lead star ng Ang Probinsiyano.
Kung susuungin nga raw ni Coco ang pulitika ay malaki ang tsansa nitong manalo kung tatakbo ito sa pagka-senador sa 2022 tulad ng kanyang mentor na si Lito.
At hindi lang naman si Lito ang nagpapalipad hangin na tumakbo na ang aktor sa pagka- Senador, marami pa raw na bumubulong kay Coco.
Kung may mga kontra man sakaling sumang- ayon si Coco ay maliit lang daw na porsyento ang ‘di naniniwala sa kakayahan ng aktor.
Tahimik pa rin ang kampo ni Coco kung tuluyan niyang papatulan ang udyok ni Lito na sumali na rin ito sa pulitika.
***
KUNG sa preparasyon ng nalalapit na kasal nina Angel Locsin at Neil Arce ay inamin ng aktres na ang soon to hubby nito ang nag-aayos ng lahat.
Nung bata pa si Angel pumasok sa utak nito na ang kasal ay mabilisan lang, mag-aarkila lang ng gown at after ng kasal ay reception.
Sa pagplano raw sa kanilang kasal ay si Neil daw lahat ang may plano at bow lang nang bow si Angel.
Dahil inabutan nga raw ng pandemic ang kanilang kasal kaya kailangang sumunod sa health protocols.
Need magbawas ng bisita na ayaw nga sana gawin ni Angel pero need na gawin.
Sa panayam kay Angel ni Bianca Gonzales ay inamin nito na chill lang siya at wala itong dream wedding.
Well, well, well…’Yun na!