Advertisers

Advertisers

Glaiza ‘di iiwan ang bansa at showbiz kahit ikasal na sa dyowang foreigner

0 296

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

ALAM na ng lahat na engaged to be married na ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro at ang mapalad na lalakeng mapapangasawa niya ay isang Irish  rich businessman na si David Rainey. Hindi ngayong taon magpapakasal ang dalawa pero balak nila ay sa susunod na taon na gawin ang kasalan.

At dahil foreigner ang magiging mister, may nagsasabing na malamang ay  yakagin na si Glaiza ng kanyang mister na doon na manirahan  sa Ireland.



Ano naman ang kaya ang masasabi ni Glaiza sa bagay na ito, iiwan na ba niya ang bansa sa oras na kinasal na siya?

Say na Glaiza, hindi raw siya aalis ng bansa kahit pa ikasal na sila ng boypren. At ang kanyang magiging mister na raw ang mag-aadjust at titira sa Pinas. Ayon pa rin kay Glaiza, kahit noong hindi pa sila nagkakakilala ay madalas na raw pumunta ng bansa si David at nakilala niya nga ito sa isang beach dahil mahilig mag-surfing ang fiance.

Sa ngayon palang ay nagsisimula na silang magpundar ng negosyo. At dahil businessman nga si David ay ito ang personal na mangangasiwa ng isang Cafe na kasalukuyang nasa proseso ng pagpapatayo sa Baler, Quezon, sa bayan mismo ni Glaiza.

Mayroon na ring napiling pangalan ang magdyowa sa kanilang pinatatayong negosyo, Cafe Galura, ang tunay na apelyido ng pamilya ni Glaiza.

Sa ngayon ay abalang-abala si Glaiza sa bago niyang teleserye sa GMA-7 na dapat ay umeere na ngayon pero dahil sa muling lockdown ay napilitan ang GMA-7 management na pansamatalang itigil na muna ulit ang mga tapings.



Kasama ni Glaiza sa “Nagbabagang Luha” sina Rayver Cruz, Mike Tan, Claire Castro at Ms. Gina Alajar.

***

LABIS ang kagalakan sa puso ngayon ng Kapuso hunk actor na si Jak Roberto, eh kasi nga naman natupad na ang isa sa pinapangarap niyang mabili, ang makabili ng sariling lupa.

Isa raw talaga ito sa pangarap ni Jak kahit noong bata pa siya, ang magkaroon ng sariling bahay at lupa. Tandang-tanda pa kasi ni Jak ang buhay nila noong mga bata pa sila ni Sanya na kung saan-saan sila tumitirang magkakapatid simula nang yumao ang kanilang ama.

“Ganu’n pala ‘yung pakiramdam, ‘yung finally ang dami kong realization na after ilang years ko ng pagtatrabaho bilang artista, after ilang years na pagba-vlog ko and after ilang years ng mga mall show.

After ‘yung ilang pagpupuyat sa taping, sa mga soap, sa mga pinagdaanan, noong nagsisimula pa lang ako sa showbiz,” say ni Jak.

May kaugnayan kaya sa paghahanda sa kinabukasan nila ni Barbie Forteza ang pagbili niya ng lupa at patatayuan ng bahay?

Saad naman ni Jak, katuparan lang daw ito ng isa sa mga bucket list niya.

“One of the highlights of my life.

Ngayon may sarili na akong titulo ng lupa. Amen! Amen po talaga. I feel so blessed kasi ni hindi ko inisip talaga before na ganito, makakabili ako ng lupa,” dagdag na say ni Jak.