Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
WALA nang makapipigil pa kay Jak Roberto sa pagpapatayo ng magiging bahay nila ni Barbie Forteza.
Sa vlog na in-upload ni Jak last April 16, ipinakita niya sa kanyang subscribers ang biniling lote na malapit lang sa tirahan ng kapatid na si Sanya Lopez.
“Bumili na po ako ng lupa, finally, and today po yung transaction namin. Naayos ko na rin sa bangko kahapon. Ganun pala yun `no, kapag bibili ka kailangan mo muna i-meet yung seller through broker.
“Yung broker ko, nagpapahanap ako ng lupa, then, may nakita siya dun lang din sa lugar ni Sanya.Then nung nakita niya na `yon, in-advise niya ako ko then after no`n nag-request ako ng meeting dun sa seller kung malinis yung papel and walang problema.”
Naging masinop kasi si Jak sa kanyang kinikita sa showbiz at sa mga na-monetize niyang vlog sa YouTube.
Kaya raw siya nag-invest sa pagbili ng lupa ay tumataas daw ang value ng lupa. At nasa bucket list din daw ng Kapuso actor ang maka-acquire ng property.
“Lahat naman tayo nangangarap na magkaroon ng property. Isa `to sa mga bucket list ko na someday uunahin ko talaga kumuha ng lupa and magbi-build ako ng sarili kong bahay. Gusto ko ako talaga yung magpapatayo.”
***
Gabbi Garcia nagtayo na rin ng community pantry
Marami ang natuwa nang magtayo na rin ng community pantry si Gabbi Garcia sa kanilang lugar sa BF Northwest, Paranaque City.
Makikita sa ipinost niyang larawan ang pantry na may nakalagay na mga gulay, de lata, bigas, mineral water, noodles at iba pa.
Mababasa rin ang sikat nang sign na ngayon na, “Magbigay ayon sa kakayahan, kumuha batay sa pangangailangan.”
Sa caption ay nagpasalamat si Gabbi sa lahat ng nag-donate.
“Posting this with nothing but pure and good intentions. This is to inspire everyone that despite of the situation, we can all help each other in our own little way.
“Thank you to our small community for making this possible! Thank you also to everyone who stopped by to drop their donations. May God bless you more!
“To all the community pantries, SALAMAT SAINYO!!! Keep going! God bless your pure hearts! Tayo tayo ang magtulungan,” caption ni Gabbi.
Dahil nasa loob ng subdivision at limitado ang puwedeng makapasok na hindi residents ng subdivision ay nakasulat ang, “Libreng gulay para sa ating mga security guards, kuya riders, construction workers.”
Bukod sa iba`t ibang gulay, canned goods, noodles, rice, bottled water, may pa-ice cream din si Gabbi. Kinontrata nila ang vendor ng dirty ice-cream na natulungan din nila dahil hindi na nito kailangan mag-ikot para maglako. Nakapark na lang siya sa tabi ng community pantry hanggang sa maubos ang ice-cream.
Well, mga kabarkada, sigurado ang ginagawang pagtulong at pagtatayo rin ng cummunity pantry ni Gabbi ay walang halong pamumulitika at sigurado rin na hindi siya papayag na magamit ng mga komunista at mga kalaban ng gobyerno na hangarin ay wasakin ang katahimikan ng bansa.
Huwag sana tayong palinlang sa mga hayop na kalaban ng gobyerno na kunwari ay nagtatag ng community pantry para makatulong sa mga kababayan natin. Pero ang totoong hangarin nila ay manghikayat ng mga tao para sumama sa kanilang katarantaduhang adhikain.
***
KC lumayas na sa condo, titira sa totoong bahay
Habang nagpi-pizza at wine ay napag-isip ni KC Concepcion na bitawan o lisanin na ang pagtira sa condo at tumira sa totoong bahay.
“This was the moment I decided to move out of my condo and try living in an actual house. Yup, I`m moving! ( please don`t ask me where to for security reasons).
“All I know is, some good decisions come from the most unexpected ( unguarded ) moments…as for me, my enlightenment came from pizza and a glass of wine,” post ni KC.
Karamihan ng friends ni KC ang natuwa dahil titira na siya sa totoong bahay na siyang pinaka-ideal na tirahan.
Lovelife ay masaya naman si KC at kahit anong mangyari ay lagi siyang masaya dahil nandiyan ang kanyang magulang na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na laging nakasuporta sa lahat ng kanyang desisyon sa buhay.