Advertisers

Advertisers

Covid update: 17,138 gumaling; 105 nasawi; 8,767 bagong kaso

0 242

Advertisers

KARAGDAGANG 8,767 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health nitong Huwebes, Abril 22.

Samantala ay patuloy naman ang pagtaas ng bilang ng mga gumagaling makaraang makapagtala ng 17,138 recoveries. Nasa 105 naman ang naitalang nasawi.

Sa kabuuang bilang ng naitalang kaso sa bansa, 11.1% o 107,988 ang active cases, 87.2% o 846,691 ang recovered, habang 1.69% o 16,370 naman ang nasawi.



Ilan sa aktibong kaso ay nasa 96.6% ang mild cases habang 1.3% ang asymptomatic.

Ang mataas na bilang ng recoveries ay muling ipinaalala ng DOH na ito ay dahil sa daily recovery tagging nang ginagawa ng ahensya upang malinis ang mga datos. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)