Advertisers
PINAGBABARIL-PATAY ang manager ng isang punerarya sa harap ng simbahan sa Dagupan City, Pangasinan.
Kinilala ang biktima na si Jamir Bonifacio, 27 anyos, residente sa Manaoag, Pangasinan.
Sa ulat, nag-aayos ng mga bulaklak sa harap ng isang simbahan sa Barangay Bonuan Gueset nang pagbabarilin ang biktima..
Tumakas ang salarin sakay ng motorsiklo matapos barilin ng apat na beses ang biktima.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa krimen.