Advertisers
NASUNOG ang isang single-storey crematorium facility sa Manila North Cemetery, Martes ng madaling araw.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, umabot sa unang alarma ang sunog.
Tinatayang aabot sa P20,000 ang pinsala ng sunog at wala namang nasaktan sa insidente.
Sa ulat, nagsimula ang sunog sa kanang gitnang bahagi ng human incinerator crematory equipment.
Pag-aari ng city government ng Manila ang crematorium facility. (Jocelyn Domenden)