Advertisers
NASAWI ang dalawang senior high school students nang sumalpok ang motorsiklo sa isang truck sa Sitio Kalawidan Barangay Igcocolo, Guimbal, Iloilo.
Kinilala ang mga biktima na sina Joseph Anthony Alexander, 18 anyos, ng Nahapay, Guimbal, driver ng motorsiklo; at backrider nito na si Kyle Dela Piedra, 18, ng Tagpu-an, Tubungan, Iloilo.
Sa ulat, papunta sa bayan ng Guimbal ang mga biktima sakay ng motorsiklo nang nakasalubong ang truck na minamaneho ni Rogelio Garganza, 51, ng Sitio Kalawidan Bgy. Igcocolo.
Ayon sa report, biglang lumiko ang truck at bumangga dito ang motorsiklo.
Dahil sa malakas na impact, tumilapon ang mga biktima na hindi nakasuot ng helmet, dahilan upang magtamo ang mga ito ng sugat sa ulo na siyang sanhi ng kanilang pagkamatay.