Advertisers

Advertisers

Rozz Daniels excited na sa paglabas ng single na ‘Napamahal Nako’

0 348

Advertisers

HABANG pandemic pa rin at kasagsagan ng Covid 19 sa buong mundo, hindi nagsayang ng oras ang Soft Rock Diva na si Rozz Daniels at panay ang praktis niya ng bagong kanta niya na kinompos ni Adonis Tabanda para sa kanya, ang “Napamahal Nako.”

Sobrang excited na raw si Rozz sa paglabas ng kanyang first song at talagang pinagmamalaki niya ito.

Akma talaga sa boses at personalidad ni Rozz ang “Napamahal Nako” at tiyak na tatangkilikin ito ng music lovers sa oras na marinig na sa mga digital platforms.



Madaling tandaan ang lyrics ng kanta at talagang makare-relate ang marami pag narinig na ang nasabing kanta.

Tamang timing na lang ang hinihintay ng manager ni Rozz na si Total International Entertainer Nick Vera Perez bago tuluyang i-release ang “Napamahal Nako” na isasama rin ni NVP sa kanyang album na ire-release bago matapos ang taong kasalukuyan.

Samantala, habang hindi pa nailalabas ang kanyang unang kanta ay busy si Rozz sa Kumusta Nick live stream sa Kumu kasama si Nick at ilan pang co-hosts.

Gayundin, every Saturday ay may sariling stream din si Rozz sa Kumu na kantahan at kuwentuhan kasama ang kanyang mga special guest.

Kamakailan ay nagbakasyon nga pala si Rozz kasama ang kanyang asawang si David Daniels bilang selebrasyon sa birthday nito nitong nakalipas na April 11.



Nagbakasyon ang mag-asawa sa Las Vegas, California, at Grand Canyon, Arizona at namasyal hanggang April 15.

Tsika nga ng Rock Diva, puro trabaho raw ang kanyang mister kaya naisipan niyang i-treat ito ng bakasyon nung birthday nito sa mga naturang bansa.

At dahil pandemic ay doble-ingat ang mag-asawa at tiniyak na sinunod nila ang safety protocols para manatiling ligtas at malusog. (BKC)