Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
HINDI napigilan ni Kakai Bautista na mag-init ang ulo nang paalisin sila ni Maja Salvador ng isang security guard sa parke ng mall.
Hirit ng guard, wala raw kasing permit ang dalawa na mag-shoot ng vlog sa premises ng mall.
Katuwiran naman ni Kakai, hindi sila papayagang mag-set up ng kamera kung wala silang kaukulang permiso sa management.
Gayunpaman, pilit tinawagan ni Maja ang kanyang kontak para magsumbong na pinaaalis sila ng sekyu.
Hirit pa ni Kakai, dapat daw ang title ng blog ay “Maja Salvador, napalayas sa mall na ine-endorse niya!”
Pag lumabas daw ito ay siguradong hahamig ito ng million views dahil sa kontrobersya, aniya.
Swabeng ipinamukha pa ni Kakai sa guard na malamang malagay ito sa peligro dahil ang itinataboy nila ay mismong endorser ng Robinsons Land Corporation.
Katunayan, malamang daw ay madagdag na rin siya sa endorsers ng kumpanyang pinagtratrabahuhan nito.
Bago mag-escalate ang gulo, pinakalma naman ni Maja ang kanyang iritada at nagpupuyos na beshie.
Sey niya, wala rin daw namang kasalanan si manong guard kung ganoon ang patakaran ng mall.
Sa huli, nilapitan ni Maja ang guard at binulungan itong “Sabihin mo sa kanya, ‘you got pranked.”
Nang malaman naman ni Kakai na na-prank siya ni Maja kakuntsaba ang guard, nainis ito sa kaibigan.
Sobrang bilib naman siya sa acting ng guard dahil napaniwala niya ito sa kanyang palabas.
Maaalalang dati nang pinaglaruan ni Maja ang kanyang mga kaibigan nang i-gudtaym niya ang mga itong lihim na siyang ikakasal.
Si Kakai naman ay muling pinag-usapan nang mabuhay ang kontrobersya ng panggagamit nito sa Thai actor na si Mauro Maurer.
PUSO MO WALLY PERALTA
Kahit bago pa ang relasyon…
Diego si Barbie na ang type makatuluyan; Derrick may pabukol sa fans
SA gitna ng pandemya ay may naging pasabog ang hunk actor para sa kanyang mga supporters at fans.
Inilabas ng isang underwear clothing brand ang isang photo ng shoot ng naturang endoresment ni Derrick Monasterio na nakaliyad siya sa ibabaw ng kama at isang puting-puting brief lang ang kanyang suot.
At dito nga ay nasilayan ang ‘pabukol’ ni Derrick ng kanyang fans, nang i-upload ng hunk actor ang larawan ng naturang photoshoot sa kanyang social media account.
Inamin ni Derrick na first time niyang pumayag na magpakuha ng isang sexy picture na naka-brief lamang kaya sobrang nerbiyos daw ang kanyang nadama nang magsimula na sila ng photo shoot.
Nawala lang ang tensiyon kay Derrick nang makita niya ang finished product and proud siya sa kinalabasan ng kanilang shoot.
“It was nerve-wracking. But I was pleasantly surprised of the outcome. They made me comfortable and really took care of my shots,” saad ni Derrick.
Inulan ng maraming komento ang naturang post ni Derrick na karamihan ay positibo.
“Omg first time ko nakita si Derrick Monasterio naka underwear lang!”
“This is it! Idol DM @derrickmonasterio congrats!”
“You’re really one of the hottest here in PH Proud fan, proud Dreamers here!”
Sa ngayon ay mapapanood si Derrick sa programang “Catch Me Out Philippines” every Saturday Night sa GMA-7 kasama sina Jose Manalo at Kakai Bautista.
***
KAHIT halos wala pang isang taon ang relasyon nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga, para kay Diego ay si Barbie na ang gusto niyang makasama habang buhay.
Feeling ni Diego ay nakita na niya ang kanyang soulmate sa katauhan ni Barbie, at sinabi pa ng aktor na suwerte sa buhay niya si Barbie, kasabay halos ng kanilang pagkakaroon ng relasyon ay siya naman ang dating mga movie offers kay Diego kahit pa sa gitna ng pandemya. Ito ay ang “Encounter” with Cristine Reyes at “Death of a Girlfriend” katambal ang baguhang sexy star na si AJ Raval, anak ng dating action star na si Jeric Raval.
“Sa nakikita ko, talagang Barbie is the one. Barbie is mature in a lot of ways. In a sense that when it comes to this relationship, sayang naman if you don’t think about those things yet,” pahayag ni Diego.
Ano naman kaya ang natutunan ni Diego sa bago palang nilang relasyon ni Barbie?
“Being in a relationship is a compromise. You are two individuals who want to be a team or a unit. Isa lang kayo, so naturally, you have differences. Meron kayong hindi pagkakasunduan.
There’s no secret. Your relationship is work, like friendship. But iba ang relationship. Ang pupuntahan niyo is marriage. To have a family. To have kids. Ganun ko na siya tinitignan with Barbie. Ganun din niya tinitignan this relationship with me,” say pa ni Diego.
Ano naman kaya ang katangian ni Barbie na masasabing naging daan para mahulog nang husto ang loob niya?
“Barbie can be the most maternal person in a sense na para siyang nanay kung mag-alaga. At the same time, para rin siyang baby. ‘Yun naman ‘yung gustong gusto ko, kasi baby ko siya. Gusto ko din naman ako din ang nag-aalaga,” saad ni Diego.