Advertisers

Advertisers

MANILA, ‘THE CITY OF LIGHTS’

0 317

Advertisers

HINDI magtatagal ay magiging ‘city of lights’ na ang Maynila.

Inanunsyo ni Mayor Isko Moreno na habang abala ang pamahalaang lungsod sa pagpapailaw ng mga pangunahin lansangan upang hindi samantalahin at magkaroon ng lakas ng loob ang mga masasamang elemento na gumawa ng krimen sa kadiliman, ay iilawan na rin maging ang mga kalsada.

Ito ayon kay Moreno ay para sa kapakanan ng mga motorista na patuloy na bumibyahe sa daan kahit na gabi, kung saan ang proyekto ay pauna nang ginawa sa kahabaan ng Roxas Blvd. simula sa boundary ng Pasay at Manila.



Sinabi ni city engineer Armand Andres na sa utos ni Moreno ay nilagyan ng mga solar studs ang kalye ng Vito Cruz hanggang Anda Curcle sa paligid ng Intramuros, malapit sa Port Area. Ang mga ilaw ay nilagay sa parehong northbound at southbound upang mailawan ang kalsada para sa kapakanan ng mga motorista.

Sinabi pa ni Andres na ang parehong solar studs ay ilalagay sa pangunahing lansangan ng Taft Ave., Rizal Ave., at Burgos Drive.

Samantala ay iniulat ni Andres na may 61 bagong sets ng lampposts ang inilagay sa bangketa ng University of Sto. Tomas sa España Blvd. May kabuuang 56 na lamppost naman ang inilagay sa center island at 55 sets naman sa bangketa.

Napag-alaman na ang taas ng bawat poste ay nasa 10 meters habang ang pedestal height naman ay 0.5m. Ang kabuuang bilang ng mga street lights na ginamit ay 172 sets.

Matatandaan na pinailawan na ni Moreno ang España Blvd at inanunsyo nya rin ang paglalagay dito ng close circuit television (CCTV) cameras at libreng wifi, patungong Lerma o ‘university belt area’.



Nauna pa rito ay inutos din ni Moreno ang paglalagay ng magkakaparehong ilaw sa mga nakahilerang puno sa Roxas Blvd simula sa boundary ng Vito Cruz, katulad din ng sikat na Jones Bridge at Bonifacio Shrine sa tabi ng City Hall. (Andi Garcia)