Advertisers

Advertisers

NTMP, aabutin ang mga katutubo ng Palawan kay Kristo

0 270

Advertisers

SA pamamagitan ng ministeryo ng New Tribes Missions of the Philippines (NTMP) ng Palawan, may higit na 150 ka mga Iglesya ng mga katutubo na gusto nilang aabutin ang ang kapwa nilang lahi sa naturang lugar para kay Jesucristo, lalo na sa bayan ng Quezon kung saan may 70,000 tao ang naninirahan doon.

Ang mga lider sa NTMP ang siyang tumutulak sa mga katutubong liders at miyembro na kailangan maisiwalat nila ang magandang balita hinggil sa kaligtasan na ipinamalas ng Panginoong Jesucristo sa kapwa nilang mga katutubo.

Isa na rito ay kailangan muna ang mga liders o mga miyembro ng Iglesya na matutulungan na maiangat ang kanilang pamumuhay upang magampanan nila ang paghayo at ipamalas ang kaligtasan na ipinagkaloob ng Panginoong Jesucristo sa sinumang magsisi sa kanilang kasalanan at mananalig sa Kanya bilang Panginoon at Tagapagligtas.



Sila din ay turuan hindi lamang papaano kumita kundi pati na sa katuruan ng Biblia na tinatawag “Foundational Bible Teaching” o FBT kung isalin ito sa lengwahe ng Filipino “Pundasyon ng Katuruan ng Biblia.”

Ayon sa survey na ginawa ng Provincial Planning and Development Office (PPDO) nuong 2018, may mahigit 400,000 Palaweños ang nabubuhay sa P30 na kita sa isang araw o ang katumbas nito ay P900
sa isang buwan.

Ang kailangan ng mga Palaweño sa bawat buwan ay P1,954 para sa kanyang pagkain o sa iba pang mga bagay, subalit kung ito ay sumahin umaabot ito ng P9,770 sa isang buwan sa pamilyang may lima ka mga miyembro batay na rin sa 2018 poverty index of Palawan Statistics Authority (PSA).

Ito na ngayon ang programa ng mga liders ng misyon upang matutulungan ang mga katutubong namumuno at mga kasamahan nila kung papaano nila masusuportahan ang kanilang mga pamilya kabilang na dito ang pagdadala ng mga kaluluwa sa Panginoong Jesucristo.

Isa na dito ay ang ang paggamit ng kanilang katutubong lupa mahigit 100 ektarya na may bakawan at nipa palm, gayon din ng pagsasaka, at paghahalamanan.



Ang Barangay Maasin, isa sa mga barangays ng bayang Quezon na siyang pinaligiran ng mga bayan katulad ng bayang Aborlan na makita sa hilaga; Narra sa silangan; Brooke’s Point sa habagat; Rizal nagtampok ang habagat/hilaga; at and Española sa bandang habagat/silangan.

Ang misyon ng mga liders upang gumawang mga prohektong mapakinabangan ng mga katutubo gaya ng pag ayos sa mga bakawan at nipa palm na mag-umpisa sa Abril hanggang Mayo 30 at tuloy-tuloy ito hanggang Hunyo patungong Disyembre at puntareya nito ay makalikom ng P260,000.00.

May ibang proyekto na ang tawag ay Phase Two na kung saan ipagpapatuloy lamang ang pag-ayos ng bakawan at nipa palm upang makalikom ng P400,000.00 dahil ang gawain na ito ay subsub na magsimula sa Enero 2022 at matatapos sa Disyembre 2022.

Ang Phase Three na proyekto ay maghahanap ng mga imbestors na puwede mag ambag ng puhonan para sa pagtayo ng mga gusali at pasilidad para sa paggawa ng asukal mula sa bunga o sa nipa palm na magandang halili sa asukal ng tubo dahil ito ay sanhi ng sakit na diabetis.

Ang pondong gustong malikom ay P3 milyon at mauumpisahan ito sa Agosto 2023.

Samantala ang paghahanda ng gawain maging hanas o maalam ang mga liders ng katutubo at miyembro nito ay magsimula sa Hunyo 5, 2021 hanggang Mayo 28, 2022 sa pamamagitan ng online o digital sa loob ng isang taon at ito’y gagawin tuwing araw ng Sabado sa loob ng tatlong oras lamang.

Yong gustong mag laan ng pondo, maaari lamang kayong kumontak kay Enginer Joseph Lee sa 0998-9902343 or kaya sa kanyang email add: leejoseph.d@gmail.com. (ANDI GARCIA)