Advertisers

Advertisers

Covid-19 update: 23 namatay; 1,403 gumaling; 4,002 bagong kaso

0 245

Advertisers

UMAKYAT na sa 147,526 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng covid-19 sa bansa.
Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health ng 4,002 mga bagong kaso ng virus infection.
Mayorya ng mga bagong kaso ay mula parin sa National Capital Region na umabot sa 2,445 new cases.
Sinundan ng Laguna na may 319 new cases, Cebu na may 212 new cases, Rizal na may 142 new cases, at Cavite na may 101 new cases.
Muli namang tumaas ang bilang ng naiulat na bagong gumaling sa covid-19 na nasa 1,403.
Dahil dito aabot na ngayon sa 70,387 ang kabuuang bilang ng nakarekober mula sa covid-19 sa bansa.
May 23 naman ang naitalang nasawi dahil sa virus.
Ayon sa DOH, sa bilang na ito 13 ay ngayong Agosto, 6 noong Hulyo, 1 noong Hunyo, 2 noong Abril at 1 noong Marso.
Sa ngayon, umakyat na sa 2,426 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa covid-19.
May 225 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang ng kaso ng covid-19 na kanilang naireport kasunod ng kanilangnagpapatuloy na validation at paglilinis sa kanilang listahan. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)