Advertisers
Umapela si Bise Presidente Leni Robredo sa Department of Education( DepEd ) na kailangang isailalim sa mass COVID test ang mga guro na maghahatid ng modules sa darating na pagbubukas ng klase ngayong Agosto 24.
Hinimok din ni Robredo ang DepEd na maging transparent ito sa kung saan napupunta ang natitirang budget ng kagawaran sa taong ito kasama ang P29.5 bilyon pondo sa rehabilitasyon ng mga school building at P700-milyong budget para sa inservice training ng mga guro ngayon taon na tiyak din di mauubos dahil sa online adjustments.
Binigyang-diin ni Robredo sa DepEd na maglaan ng budget para sa physical check-up at gamot at tiyaking may personal protective equipment ( PPE) ang mga guro at iba pang kailangan gamit sa sakit.
Panawagan ito ng Pangalawang Pangulo sa DepEd para matiyak ang kaligtasan ng mga guro, magulang at mga estudyante sa COVID-19 at matiyak na hindi sila kontaminado sa virus.
Ang apelang ito ni Robredo ay nakasaad sa kanyang liham na ipinadala sa DepEd na may petsang Agosto 10 kalakip ang ilang rekomendasyon mula sa mga nakausap niyang mga guro, magulang at estudyante. (Josephine Patricio)