Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
IBINUNYAG ni Baron Geisler ang mga ordeal na pinagdaanan noong sugapa pa siya sa alak sa vlog ni Toni Gonzaga na Toni Talks.
Ayon kay Baron, noong alipin pa raw siya ng kanyang bisyo, lagi raw siyang lutang at talagang walang direksyon ang kanyang buhay.
Dahil din sa katanyagan, aminado rin siya noong yumabang.
Ito rin daw ang dahilan kaya madalas siyang takaw-gulo at maging ang relasyon sa kanyang pamilya at ilang katrabaho ay nakukumpromiso.
Kadalasan, sex objects daw ang tingin niya sa mga kababaihan.
Aminado rin siyang naka-pitong rehab siya sa kanyang battle with alcoholism and problematic behavior.
Malaking bagay daw at blessing ang pagdating sa kanya ng wife na si Jamie, isang psychologist na nakilala niya sa rehab.
Nagkaroon daw ng bagong direksyon ang kanyang buhay dahil ang misis raw niya ang umakay sa kanya sa pagbabago.
Ito rin daw ang sumupil sa kanyang pagkamasarili.
Hindi rin niya ikinahihiya kung kaanib na siya sa samahan ng mga kalalakihang takusa o takot sa asawa.
Inspirasyon din daw sa kanya ang kanyang anak na si Talitha dahil natulungan siya nitong maging mas responsable.
Regrets lang niya, hindi naabutan ng kanyang ina ang kanyang apo dahil kung nabubuhay daw ito ay tiyak na ii-spoil nito ang bunso.
Hirit pa ni Baron, malaking bahagi raw ng kanyang pagbabago ang kanyang personal na relasyon sa Diyos.
Sey pa ng aktor, gusto raw niyang mabasa ng anak paglaki nito na may mabuting ipinunla ang kanyang ama at hindi pulos negatibo kaya desidido siya sa kanyang tuluyang pagbabago.
***
ALIW ang netizens sa ginawang lie detector test challenge ng celebrity doctors na sina Dra.Vicki Belo at Hayden Kho.
Natanong kay Hayden kung nakipag-flirt na raw ba siyang muli sa ibang babae pagkatapos silang ikasal ni Vicki.
Feeling ni Vicki, nakipaglandian na raw muli ito sa iba samantalang pinanindigan naman ni Hayden na nananatiling loyal siya sa kanyang misis.
Sa tanong naman kung may nasabihan na siya ng “I Love You” na hindi niya totoong nadarama, hindi niya ikinailang meron siyang nabola noon.
Sa question naman kung gusto pa niyang magkaanak after Scarlet, hindi naman niya ikinaila ito.
Katunayan, maging si Scarlet daw ay type magkaroon ng kapatid.
Gayunpaman, inokray siya ni Vicki dahil baka raw bet nitong magkaanak sa labas dahil kung siya ang magbubuntis ay tila malabo na raw ito unless magiging immaculate conception daw ito.