Advertisers

Advertisers

Traditional medicine na ginagamit sa China bilang panggamot sa COVID-19 aprub ng FDA sa Pilipinas

0 247

Advertisers

Ikinagalak ng Chinese Embassy sa Maynila ang pagsang-ayon ng Food and Drug Administration (FDA) sa Lianhua Qingwen na isang uri ng herbal medicine ng China.
Ang naturang traditional chinese medicine ay ginagamit umano sa China bilang pangontra sa mild and moderate na kaso ng COVID-19
Ayon sa pahayag ng Chinese Embassy, inilarawan nito bilang “important progress” ang pagpasok ng mga traditional Chinese medicine products sa merkado ng Pilipinas.
Base sa inisyung Certificate of Product Registration ng FDA ang naturang traditional Chinese medicine ay nakakatulong para mapigilan ang pagpasok ng heat toxin sa baga at mga sintomas ng COVID-19 gaya ng lagnat, sipon at baradong ilong. (Josephine Patricio)