Advertisers

Advertisers

4 iniimbestigahan sa pagtangay ng P1.8m para sa face shields

0 259

Advertisers

HUMINGI ng tulong sa Manila Police District ang dalawang babae mula Pangasinan na kukuha sana ng order nilang face shields sa Malate, Maynila.
Ayon sa mga biktima, nakilala nila sa social media ang nagpakilalang trader ng face shield sa rekomendasyon ng isang kaibigan.
Umorder sila ng P1.8 milyon halaga ng face shields para ibebenta sa probinsiya.
Nagpagkasunduang magkabayaran sa isang hotel sa Malate at doon narin ibibigay ang order na stock.
Pagdating pa lang sa hotel noong Linggo, inabot na umano ng mga biktima ang pera na mano-mano pang binilang ng mga inirereklamo.
Pero makaraan ang tatlong araw, wala paring ibinibigay na face shields ang mga katransaksyon nila.
Kwento ng isa sa mga biktima, idinadahilan sa kanila ang pagka-delay ng delivery at hindi umano makapag-park sa hotel ang trak na bitbit ang mga face shield.
Sa resibong ibinigay sa kanila, nasa P1.5 million lang ang nakasaad na halaga kahit higit P1.8 million ang ibinayad nila.
Ayon kay Police Col. Carlo Manuel, hepe ng Manila Police District Public Information, iiniimbestigahan pa ang apat na inimbitahan sa presinto.
Kabilang dito ang isang lalaki at tatlong babae na itinuturong tumanggap ng pera at nagbigay ng resibo sa mga biktima.
Maaari silang kasuhan ng large-scale estafa. Tumanggi munang magbigay ng pahayag ang apat.(Jocelyn Domenden)