Advertisers

Advertisers

PASTOR NI-RAPE ANG ANAK NG 2 BESES, NABUNTIS!

0 673

Advertisers

NAHAHARAP ngayon sa kasong ‘Qualified Rape’ ang dating pastor na nanghalay sa anak nitong 17-anyos na ngayon ay nagdadalang-tao sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan.
Ayon kay Mangadan Municipal Police Station (MMPS) investigator P/Lt. Precy Tangalin, hindi muna pinangalanan ang dating pastor dahil sa patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon sa insidente.
Sinabi ni Tangalin na nag-ugat ang kaso laban sa pastor nang pagtangkaan muli na gahasahin nitong Agosto ang menor-de-edad na anak sa ikatlong pagkakataon bagama’t ito’y tatlong buwan nang buntis.
Sa testimonya ng dalagita na pinangalanang “Emy”, una siyang ginahasa ng ama sa loob ng kanilang tahanan noong Abril at sinundan noong Hunyo na nagbunga. Kung kaya’t nagreklamo na ang biktima at ina nito sa pulisya.
Sa report, sinabi ni Emy na hindi siya agad nakapagsumbong sa otoridad dahil binabantaan siya ng ama ng masama kapag nagsumbong.
Ayon sa ulat, nangyayari ang paghahalay ng ama dahil madalas din umanong wala ang misis nito, nasa palengke upang magtinda ng gulay.
Pinabulaanan naman ng pastor na siya ang nakabuntis sa anak. Ngunit inamin nito ang panghahalay sa anak.
Ayon sa biktima, nagpasya siyang magsampa ng kaso para narin sa mga maliliit na kapatid at nang hindi na ito maulit pa. (Ace Ramales)