Advertisers

Advertisers

Nigerian nakuhanan ng P 6.8m shabu

0 362

Advertisers

ARESTADO ang isang Nigerian national nang makuhanam ng isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.8 million ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa buy bust operation sa Bacoor City, Cavite.
Nakilala ang naaresto na si Ifeanyi Ukoji y Chukwu, 36, ng Barangay Mambog III, Bacoor City.
Sa report, isinagawa ang buy bust operation 11:30 ng tanghali ng pinagsanib na elemento ng PDEA Regional Office IV-A Special Enforcement Team (PDEA RO IV-A RSET), PDEA Quezon, PDEA Cavite, at Bacoor City Police Station sa parking lot ng isang fast food sa Molino Boulevard, Barangay Talaba IV, Bacoor City.
Inaresto si Ukoji ng mga operatiba matapos iabot sa isang agent na nagpanggap na buyer ang iligal na droga.
Nasamsan ng mga otoridad sa suspek ang 1,000 grams ng shabu na nagkakalaga ng P6.8 million at mark money. (Mark Obleada)