Advertisers
ARESTADO ang dalawampu’t tatlong illegal gamblers kabilang dito ang limang beneficiaries ng Social Amelioration Program (SAP) sa inilatag na hiwalay na police operations sa lalawigan ng Bulacan.
Ayon kay PCol Lawrence B. Cajipe, Provincial Director of Bulacan Police Provincial Office, isinagawa ang mga naturang operasyon ng Norzagaray, Bocaue, Pandi, Malolos Meycauayan Police Stations at Bulacan Second Provincial Mobile Force Comapany (PMFC).
Sa ulat, 14 suspek kabilang ang 5 SAP beneficiaries ay dinakip nang maaktuhan ang mga ito na nagsusugal ng “Tong-its” sa Pandi, Norzagary, San Rafael at Bocaue.
Kinilala ang mga naarestong SAP beneficiaries na sina Emma Atencio, Nena Odevilas, Reynalyn Buldas, Bibiana Leogan at Melita Corpus.
Samantala, 9 katao naman ang naaktuhang naglalaro ng “Mahjong” sa Malolos at Meycauayan CPS.
Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa mga nahuling sugarol.(James de Jesus)