Advertisers

Advertisers

Sen. Go tuloy-tuloy ang pagtulong sa mga nasunugan

0 292

Advertisers

SA kabila ng COVID-19 pandemic, hindi tumitigil ang tanggapan ni Senador Christopher “Bong” Go sa paghahatid ng tulong sa mga biktima ng sunog sa iba’t ibang panig ng bansa.

Pinakahuling napadalhan ng tulong ang mga biktima ng sunog sa Barangay Ibo, Barangay Looc at Barangay Pajac sa Lapu-Lapu city sa Cebu at mga Barangays Bucana at Talomo sa Davao city kung saan “virtually” ay sinubaybayan ni Go ang pamamahagi ng tulong.

Kabilang sa mga ipinamigay ng tanggapan ni Go ang mga face masks para makatulong sa pag-iwas na mahawa sa virus habang bisekleta sa ilan para naman makatulong sa kanilang pagbiyahe dahil sa kawalan ng public transportation.



Kaugnay nito, muling tiniyak ni Go na tuloy ang pagtulong sa mga kababayan lalo na sa mga naapektuhan ng sunog na nakadagdag sa kanilang pasakit sa gitna ng pagharap ng bansa ng pandemyang dulot ng COVID-19.

Dagdag ni Go, lalong hindi siya titigil sa pagbibigay ng tulong sa mga kababayan lalo na ngayong may pandemya kasabay ng pagtiyak na sinusunod ng kanyang tanggapan ang mga health at safety protocols.

Samantala, sampung masuwerteng beneficiaries naman ang nakatanggap ng livelihood assistance mula sa DTI na kinabibilangan ng Home Service Salon Negosyo kit, Sari-Sari store Negosyo kits at E-load retailing Negosyo Kit. (Mylene Alfonso)