Advertisers
DEAD on arrival sa pagamutan habang sugatan ang isa sa tatlong magkakaibigan nang pagbabarilin sa Calle Fabrica St., Barangay Malhacan, Meycauyan, Bulacan.
Kinilala ang napatay na si Nikko Pulumbarit, 26-anyos; habang sugatan si July Concepcion (babae), 29; at nakaligtas naman si Richard Eiverson Rubio, 23, kapwa residente sa nabangit na lugar.
Base sa kuha ng CCTV, 2:40 ng hapon nang maganap ang pamamaril sa mga biktima habang naglalakad sa naturang kalye galing sa planta ng yelo.
Nabatid na malapitan at nakatalikod ang mga biktima nang paputukan ng isa sa mga salarin.
Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang mga salarin sakay ng kulay violet na Mio motorcycle.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.(Thony D. Arcenal)