Advertisers

Advertisers

ISA PANG LUMABAG SA CURFEW PATAY SA BUGBOG NG MGA TANOD!

0 774

Advertisers

CALAMBA City, Laguna – Nasawi ang isang binata nang pagtulungan bugbugin ng mga barangay tanod dahil sa paglabag ito sa curfew hours noong Miyerkoles, Abril 7, dito sa lungsod.

Dumulog sa tanggapan ng Calamba City Police station ang nakatatandang kapatid ng biktima at inireklamo ang pagkamatay ng huli sanhi umano ng pagbugbog ng da-lawang barangay tanod dahil sa paglabag sa ipinatutupad na curfew hours sa Barangay Turbina ng lungsod dakong alas onse ng gabi noong Miyerkoles.

Kinilala ang nasawi na si Ernanie Jimenez, 26 anyos, binata, tubong Guinayangan, Quezon pero nanunuluyan dito sa lungsod.



Sa salaysay ni Glendien Jimenez , 31, kapatid ng biktima, si-nita nina Arjay Abierta at Joel Ortiz na kapwa miyembro ng Quick Response Team (tanod) ng naturang barangay. Subali’t nagkaroon ng mainitan na pagtatalo sa pagitan ng binata at ang mga tanod at nauwi sa pambubugbog ng mga ito sa biktima hanggang sa mawalan ito ng malay-tao.

Naisugod pa sa Calamba Medical Center ang biktima subalit binawian din ito ng buhay 11:40 ng gabi.

Naglatag na ng manhunt operation ang mga otoridad laban sa naturang mga tanod na agad tumakas nang malamang namatay ang kanilang binugbog.

Noong Abril 3 ay isa ring curfew violator, Darren Peñaredondo, sa General Trias, Cavite ang nasawi matapos parusahan ng mga pulis sa pa-mamagitan ng pumping ng 300 beses. (Jose “Koi” Laura)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">