Advertisers
Tablado umano sa Department of Budget and Management (DBM)ang P138-B inilatag na budget proposal ng PhilHealth para sa susunod na taon.
Ito ang inilahad ni PhilHealth Acting Senior Vice President for Actuarial Services Nerissa Santiago sa patuloy na pagdinig ng House Committee on Public Accounts kaugnay sa isyu ng korapsiyon sa naturang ahensiya ng pamahalaan.
Ayon kay Santiago ang hinihiling ng PhilHealth na madagdagan ang kanilang pondo sa susunod na taon ay para maisalba umano sila sa pagkabangkarote.
Bagama’t aniya ang abiso sa kanila ng DBM ay P71 bilyon lamang ang kanilang matatanggap na pondo sa taong 2021, kapareho ng alokasyon ngayong taon.
Saad ni Santiago na malaki umano ang lumalabas na pera ngayon ng PhilHealth dahil sa COVID-19 health crisis habang bumaba naman ang kanilang koleksiyon mula sa contribution ng kanilang miyembro.
Ayon pa kay Santiago, posibleng bababa pa ang contribution sa susunod na taon dahil sa epekto pa rin ng global pandemic sa mga direct at indirect contributors. (Josephine Patricio)