Advertisers

Advertisers

Pamilya Lim nagtataka kung paano nagka-covid ang ex-mayor

0 270

Advertisers

PALAISIPAN parin sa pamilya ng yumaong dating senador at alkalde ng Maynila na si Alfredo Lim kung papaano niya nakuha ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Kuwento ng kanyang anak na si Roland, sandali lang kung lumalabas ng bahay ang kanyang ama upang mag-agahan noong nakaraang buwan matapos luwagan ang quarantine protocols sa Metro Manila.
“On a weekend, lumalabas siya. Tatlo, apat, hanggang limang beses. Saglit lang ‘yon. Kain lang siya ng breakfast niya, pagkatapos, paalaman na,” kuwento ni Roland, ang panganay na anak ni Lim.
Noong July 4, nakunan pa ng litrato si Lim kasama ang kaniyang pamilya sa isang restaurant sa Sta. Cruz, Manila kungsaan sila nag-agahan.
Wala naman daw sa iba nilang kamag-anak na nagkasakit ng COVID-19.
Bukod sa mga kaanak, ang dalawang kasambahay lang daw ang tanging nakakasalamuha ng yumaong dating opisyal.
“Nagtatanong nga sila saan nanggaling e bihira siyang lumabas, wala namang lumalabas sa kanilang mag-anak. ‘Yun ang masamang parte na hindi mo alam kanino nanggaling,” sabi ni Roland.
Ayon kay Roland, kidney failure dala ng COVID-19 ang ikinamatay ng kaniyang ama.
“Actually, nagkaroon siya ng COVID-19 pero ang ikinamatay niya is kidney failure, which is a complication narin ng COVID,” saad niya.
“Magmula lang no’ng magkasakit siya, do’n na. Sabihin na nga nating ‘yun pala ang epekto ng COVID na ito, na lahat ng internal [organ] is nagagalaw.”
Nalamang positibo sa COVID-19 si Lim matapos siyang dalhin sa Sta. Ana Hospital noong August 4 dahil sa pag-ubo. Inilipat siya sa pribadong ospital makalipas ang dalawang araw.
“Walang nag-expect na magkakaroon siya [ng COVID-19] kasi si tatay, physically ang condition niya is talaga namang sabihin nating napakaganda. Kumpleto siya sa exercise, lahat lahat. Hindi siya kumakain ng alam niyang makakasama sa kalusugan niya,” kuwento ni Roland.
“Kaya even us were suprised no’ng sabihin na ayon nga, may sakit si tatay, nasa ospital, and the worst part of it is ‘yun nga, no’ng sabihin na may COVID,” dagdag pa nito.
Pumanaw si Lim Sabado ng hapon, Aug. 8, sa edad na 90.
Na-cremate na ang kaniyang mga labi at kasalukuyang nakaburol sa kanilang tahanan sa Wagas St., Tondo, Manila.(Jocelyn Domenden)