Advertisers

Advertisers

Sekyu tiklo sa buy-bust

0 249

Advertisers

SA kulungan ang bagsak ng isang security guard na sideline umano ang pagbebenta ng droga matapos madakip sa buy-bust operation ng mga pulis sa Malabon City.
Kinilala ang naarestong na si Alfredo Babael, 46, ng Blk 9-D Lot 32 Phase 2, Area 2, Brgy. Longos ng lungsod.
Sa ulat, 3:40 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Adonis Aguila ang buy-bust operation sa Blk 9 Hito St., Brgy. Longos.
Matapos tanggapin ng suspek ang marked money mula sa poseur-buyer ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba.
Nakumpiska sa suspek ang aabot sa 2.28 gramo ng shabu na nasa P15,504 ang halaga at buy-bust money.(Beth Samson)