Advertisers
AGAD naging viral sa social media ang isang netizen dahil sa kanyang literal na pagsunod sa naging pahayag ni Interior Secretary Eduardo Año.
Sa kanyang social media post, kita nga na sinunod ng lalaki ang payo ng gobyerno na magsuot ng face mask kahit nasa loob ng bahay. Kahit sa kanyang paliligo ay suot niya ang face mask.
Agad namang nag-react ang netizens sa kakaibang ginawa ng lalaki.
Ayon sa Facebook post ng netizen na si Joma Beliganio, nang makita niya na sinabi ni Sec. Año na dapat ay magsuot ng face mask kahit sa bahay ay sinunod niya kaagad ito. Kaya naman habang suot ang face mask ay naligo siya at nagsipilyo.
Ang netizens naman ay natawa sa ginawang pampa-good vibes ni Beliganio.
Kamakailan ay sinabi ni Secretary Año na dahil pami-pamilya na ang nagkakaroon ng coronavirus disease ay mas maiging magsuot ng face mask sa bahay.
Bukod sa face mask, nagsabi rin ang Department of Transportation na dapat ay may suot din na face shield ang mga taong sasakay sa pampublikong transportasyon para mas maging ligtas sa byahe.(PTF team)