Advertisers
Lumantad na sa Quezon City Police District (QCPD) si Erlinda Echanis, asawa ng pinaslang na si National Democratic Front of the Philippines (NDFP) Peace Consultant at Chairman ng Anakpawis na si Randall ‘Randy’ Echanis nitong Agosto
Ayon kay QCPD Director, Police Brig. Gen. Ronnie S. Montejo, 6:00 ng gabi nang magtungo sa kanyang opisina si Erlinda at nagpakilalang siya ang kabiyak ng biktima bukod sa pagtitiyak at pagkilala na si Ka Randy ang biktima at hindi isang Manuel Santiago.
Kasabay ng pagtitiyak, ipinakita din ni Erlinda kay Montejo ang dala niyang ebidensiya na siya ang maybahay ni Randall.
Ang ipinakitang patunay ayon kay Montejo ay ang marriage certificate nilang mag-asawa.
Habang isinusulat ang balita (dakong 6:45PM), nasa tanggapan nan g Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) na pinamumunuan ni Police Maj. Elmer Monsalve si Erlinda para magbigay ng impormasyon hinggil sa kanyang mister.
Tiniyak naman ni Montejo na makukuha nang pamilya Echanis ang mga labi ni Randall matapos na makipag-ugnyan ng mga ito sa pulisya.(Ernie Dela Cruz)