Advertisers

Advertisers

Titser nag-barter ng halaman kapalit ng bond papers para sa learning modules

0 350

Advertisers

ISANG guro sa Kalibo, Aklan ang nagba-barter ng mga halaman kapalit ng bond papers para sa pag-reprint ng learning modules na ipamimigay sa mga mag-aaral sa darating na pasukan.
Sinabi ni Dennis Bontogon ng Kalibo Pilot Elementary School na mayroong silang mahigit 2,000 estudyante kaya nangangamba sila na baka kulangin ang kanilang bond papers at iba pang gamit sa paggawa ng modules.
“Ito’y hindi para sa amin, ito’y para sa ating mga kabataan, kasi sila ‘yung mahalaga dito,” sabi ni Bontogon .
“Bond paper talaga kailangan, tambak na bond papers kasi medyo marami na po ‘yung na-enroll namin,” ayon naman sa titser na si Noemi Carino.
Samantala, sinabi ni Bontogon na may budget naman ang Department of Education sa supplies pero kinakailangan daw nilang gumawa ng paraan para sa magiging kakulangan.
Ilan lamang sa nai-barter na ni Bontogon ang mga niyog, money plant at iba pa.
Marami rin daw sa mga residente ang kusang nagbibigay ng supplies kahit hindi na mapalitan ng tanim.
Ang Departrment of Education ay naglabas ng P9 bilyon para sa pag-reproduce ng modules. Naibaba na raw ito sa division offices.(PTF team)