Advertisers
PALAISAPAN ngayon para sa pamilya, mga kaanak at mga kapitbahay kung bakit puwersahang binuksan ang nitso na pinaglagakan ng bangkay ng babae sa sementeryo sa Barangay Tignapoloan, Cagayan de Oro City.
Nadiskubre na nabuksan ang nitso kungsaan inilagay ang bangkay ni Evelyn Natindim na residente sa lugar.
Inihayag ni Lumbia Police Station commander Maj. Aldrin Baculio na agad nila tinungo ang lugar para maimbestigahan ang pangyayari.
Ayon kay Baculio, base sa salaysay ng asawa ni Evelyn, totoo na bukas ang nitso at maging ang kabaong, at nakabukas din ang pang-itaas na damit ng bangkay.
Pinaniwalaan na maaring pinagsamantalan ng sinumang lapastangan ang bangkay ni Evelyn.
Ini-rekomenda naman ng pulisya sa pamilya na isailalim ng otopsiya ang mga labi ni Evelyn para matukoy kung talagang ginalaw ito.
Lumabas rin ang haka-haka na posibleng kinunan ng ilang bahagi ang katawan ng biktima para gagamitin na ‘anting-anting’.
Malakas rin ang pananiwala ng pulisya na pinag-interesan ng mga responsable ang mga alahas ng biktima. Subali’t hindi naman isinama sa bangkay nang ihatid ito sa huling hantungan nitong nakaraang Sabado.
Namatay ang biktima nang dinapuan ng sakit habang nagbubuntis.(PTF team)