Advertisers
DAHIL sa patuloy na pagdami ng Covid positive sa ating bansa eh may takot pa rin si Alessandra De Rossi na magtrabaho.
Sa kabila na maraming offers sa kanya para sa mga bagong project ni-reject niya lahat ito.
Takot naman kasi ang nanaig kay Alessandra at ayaw naman nito na isapalaran ang kanyang kalusugan.
Simula nga ng mag-lockdown eh sumunod na ito sa stay home at dahil nasa bahay lang walang pumapasok na income panay palabas ng pera ang award-winning actress.
Sa tagal na rin na walang projects dahil sa kanyang pagtanggi eh nagpasya na ito na magbenta.
Isa sa mga sasakyan nito ay ibinenta niya para maka-survive dahil bayaran na naman ng bills.
Dalawa ang sasakyan ni Alessandra at pang relyebo nga sana niya ito kapag coding takot kasi siyang mahuli ng MMDA pero need na ibenta para may panggastos sa araw-araw.
Gustuhin man ni Alessandra at miss na nito ang mag-work eh prayoridad pa rin nito ang kanyang health na ayaw nito isapalaran sa killer virus.
Dasal nga nito na matapos na ang pandemya para maging normal na ang buhay ng lahat ng tao.
Grabe na kasi ang perwisyo na dulot ng Covid sa buong mundo na halos lahat apektado.
***
DABARKADS ANJO TATAPATAN ANG EAT BULAGA
SA dami na ng programang tumapat sa long running noontime show na Eat Bulaga, nangahas si Anjo Yllana na certified Dabarkads at ang komedyana na si Kitkat na tapatan ang EB.
Kaya tanong ng netizens, hindi ba raw natakot sina Anjo at Kitkat na tapatan ang nasabing noontime show?
Halos lahat naman daw na tumapat na programa sa EB eh napataob kaya baka hindi kayanin nina Anjo at Kitkat na mag-host ng isang game show na halos isang oras at kalahati.
Araw-araw naman mapapanood ang noontime show nina Anjo at Kitkat sa Net 25.
Sa kabila na kuwestyonable ang pagho-hosting ng dalawa sa isang game show duda pa rin ang netizens na kayanin nilang tapatan ang EB.
Tinuturing ni Kitkat na blessing ang pagdating ng bagong project sa kanya dahil halos lahat ng kanyang pinagkakakitaan eh nagsara na.
September or October posibleng umere ang noontime show nina Anjo at Kitkat na itatapat sa EB.
Well, well, well…’Yun na! (Jovi Lloza)