Advertisers

Advertisers

Jueteng si Tony Ong, at online sabong sa Pangasinan

0 492

Advertisers

LUPET naman nitong tinaguriang “Jueteng King” ng Pangasinan na si Tony Ong.

Aba’y kahit nasa gitna tayo ng pandemya ng coronavirus disease 2019 (COVID ‘19) ay nag-o-operate ito ng jueteng sa buong lalawigan ng Pangasinan.

Nagtataka rin naman tayo kung bakit dedma lang ito Pangasinan Police Provincial Director na si Col. Rodrico Maranan.



Ayon sa ating source, malaki ang “timbre” ni Tong Ong sa tanggapan ng PNP PD kaya naging bulag at bingi ito sa operasyon ng illegal numbers game sa naturang lalawigan.

Ang lahat ng uri ng sugal, maging sa PCSO at PAGCOR, ay ipinasara habang nasa pandemya ang bansa. Alam mo ba ito. Col Maranan, Sir?

Ayon sa ating source, 44 opisyal ng lokal na pamunuan ng lalawigan ng Pangasinan ang tumatanggap umano ng ‘jueteng money’ ni Tony Ong.

Si Pangasinan Gov. Amado Espino III alyas Pogi… na-kikibahagi rin kaya sa ganansya sa jueteng na ito ni Tony Ong? Kasi kahit kabi-kabila ang reklamo ay dedma lang kay Gobernador!!!

Bukod kay Col. Maranan, ayon sa source, maging ang tanggapan ni PNP Region I Director Brig. Gen. Rodolfo Azurin Jr. ay kasama umano sa mga binabahagian ng grasya ng jueteng ni Tony Ong? Tsk tsk tsk..



Dagdag pa ng mga konsernadong taga-Alcala, ilang beses na sila nagpabalik-balik sa munisipyo para isumbong sa mayor ang iligal na pasugalan ni Tony Ong, pero dinedma lang daw ng alkalde ang sumbong ng kanyang mga kababayan. Ganun?

Kaya rin daw hindi makaporma ang mga Pulis-Pangasinan ay dahil ipinagmamalaki ni Tony Ong na “sanggang dikit” sila ni Gov. Espino. Tsk tsk tsk…

Teka, baka naman partner sina Governor at Ong sa illegal numbers game na ito? Hmmm…

***

Hindi lang jueteng ang namamayagpag ngayon sa Pangasinan. Talamak narin dito ang tayaan sa online sa-bong.

Kamakailan nga ay may sinalakay ang pulisya na sabungan sa may San Manuel na nagsasagawa ng online sa-bong. Nasa 50 manok panabong ang nakumpiska, pati ang 20 patay na.

Ang sabong ay kasama sa mga ipinagbabawal ng Inter-Agency Task Force kontra covid ‘19 ngayong nasa pandemya ang bansa.

San Manuel Mayor Jerico Perez, paano ba nakakapag-operate ang sabong sa bayan mo nang hindi mo nalalaman? O baka naman nagbubulag-bulagan kalang, Mayor? Yun lang!

***

Bakit hindi pa pagsisipain ni Pangulong Rody Duterte ang mga opisyal ng PhilHealth na sangkot sa grabeng katiwalian sa ahensiya?

Sa nakaraang dalawang pagdinig ng Senado sa katiwalian sa PhilHealth, maliwanag ang nangyayaring sabwatan ng mga opisyal ng Executive Committee, base sa salaysay ng whistleblowers.

Maging ang PhilHealth President na si Ricardo Morales ay umaming may “mafia” sa loob ng ahensiya. Pinangalanan pa niya ang dalawang Regional Vice Presidents na sangkot sa katiwalian. Pero hindi raw niya masibak dahil matindi ang impluwensiya. Kanino? Kay Duterte?
Mr. President, 2 taon ka nalang! Ipakita mo naman ang lupet mo sa pagpakulong sa mga tiwali sa gobyerno na ipinangako mo noong kumakandidato ka palang. Now na!