Advertisers

Advertisers

MMDA handang bumili ng P20m anti-COVID-19 vaccine

0 264

Advertisers

UPANG maprotektahan ang mga kawani at pamilya nito laban sa nakamamatay na virus, handang bumili ng anti-COVID-19 vaccine ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nagkakahalaga ng P20 million.
Sinabi ni MMDA Chairman Danilo Lim, may sapat na pondo ang kanilang kagawaran upang mag-purchase ng bakuna kontra COVID-19 sa pamamagitan ng tulong ng Philippine International Trading Corporation (PITC), ang nakakabit na ahensiya sa ilalim ng Department of Trade and Industry (DTI).
Ayon kay Lim, base ito sa koordinasyon ng MMDA kay PITC President at CEO Dave Almarinez.
Aniya, kapag nasa pinal na, maglalabas ang ahensiya ng Memorandum of Agreement (MOA) para sa procurement ng bakuna kontra COVID-19 na nagkakahalaga ng P20 million.
Base, aniya, ito sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PITC, na bumili ng anti-COVID-19 vaccine sa ibang bansa.
Ang MMDA ay may 8,000 kawani, na ang 80 porsiyento ay nasa labas, frontliners sa ibat-ibang lugar ng Metro Manila.(Gaynor Bonilla)