Advertisers
SINIMULAN na nitong Linggo, Marso 28, 2021, ang COVID-19 vaccination para sa senior citizens ng Lungsod ng Maynila.
Ayon kay Manila City Health Officer, Dr. Arnold “Poks” Pangan, ang mga kawani ng Manila Health Department (MHD) ang pupunta sa iba’t ibang barangay sa lungsod upang mas mapadali ang proseso ng pagpapabakuna para sa senior citizens.
Target ng MHD na mabakunahan ang 2,380 seniors na una nang nagpahayag ng interes na magpabakuna sa pamamagitan ng kanilang pag pre-register.
Patuloy ang paghihikayat ni Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa publiko na magpabakuna.(Jocelyn Domenden)