Advertisers

Advertisers

Isang taon

0 439

Advertisers

NAKAKAGULAT ang administrasyon ni Joe Biden. Dodobelhin nila ang ibibigay na bakuna sa unang 100 araw niya bilang pangulo. Gagawin nilang 200 milyon bakuna, hindi 100 milyon. Nasa 67 araw na ang panguluhan niya. Isang ikatlo (1/3), o mga 100 milyon Amerikano ang mababakunahan sa unang 100 araw.

Kapag nagtuloy-tuloy ang bakunang bayan ng Estados Unidos, halos lahat ng populasyon na aabot sa 330 milyon ang mabibigyan ng bakuna. Sa maikli, gusto ni Biden masugpo ang pandemya na sanhi ng coronavirus, o Covid-19, sa taon na ito. Kapag ginusto, masusunod ng walang pasubali.

Hindi lang ito. Plano nila na buksan ang mayorya ng mga klase sa paaralan sa pagsapit ng ika-100 araw. Bahagi ito ng plano nila na bumalik sa normal na pamumuhay sa pagtatapos ng taon. Baka mas maaga dahil nagparinig si Biden na nais niya magsama-sama ang mga mamamayan sa masigabong pagdiriwang sa ika-4 ng Hulyo, araw ng kalayaan ng Estados Unidos.



Magkaiba ang Estados Unidos sa Filipinas. Mayaman ang una, samantalang hilahod sa hirap ang Filipinas. Nangungutang sa ngayon upang may pambili ng bakuna. Habang nagkakasakit at namamatay ang malaking bilang sa pandemya, Hindi malaman ni Rodrigo Duterte ang gagawin. Walang mass testing, mass contact tracing, at bakunang bayan. Curfew sa Metro Manila at lockdown sa ilang barangay ang sagot.

Sa mga limitadong bakunahan para sa mga frontline health worker – doctor, nars, orderly, medical technologist, lab technician, at iba pang sangkot sa pagbibigay lunas sa mga nagkakasakit, naiulat ang mga singitan. Celebrity at kaanak, pulis, at opisyales ng LGU at barangay ang mga sumisingit sa pilahan.

Minsan nabanggit ni Bise Presidente Leni Robredo ang pangangailangan ng isang maagang plano sa bakunang bayan habang wala pa ang mga bakuna, ngunit minasama ng ilang opisyales. Hindi kumilos lalo na si Francisco Duque III. Pumasok si Harry Roque at sinabing “excellent” ang ginagawa ng gobyerno sa pandemya. Nagyabang ang labis na kinamumuhian na si Roque at sinabing “nauuna ng 10 hakbang” ang kanyang amo. Pinagtawanan siya at idineklara sa social media na “sinungaling.”

Pinakamaganda na itigil ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. ang mga pahayag na darating ang bakuna ng kung ano-anong kumpanya. Hanggang wala sa atin, huwag na siyang magsalita. Nagkakaroon ng mga huwad na pag-asa. Nakakasawa ang umasa sa wala.

Teka nga pala, isang paalaala: Hindi utang ng loob ng mga mamamayan ang mabigyan sila ng bakuna. Trabaho ng gobyerno ang gumawa ng paraan upang magkaroon ng mga bakuna ang mga tao at masugpo ang pandemya na lumumpo sa bayan. Wala tayong utang na loob kay Duterte at kahit sinong anak ng demonyo.



***

PAPASOK ang Linggo ng Kuwaresma at mangingilin ang mga Filipino na tulad ng nakagawian. Ito rin ang linggo ng paghahanda na ilang pulitiko na sasabak sa halalan sa 2022. Plaplantsahn nila ang kani-kanilang mga plano sa halalan. Hindi sila mag-aaksaya ng panahon.

Kaya pagkatapos ng Kuwaresma, inaasahan ang pagbibigay ng mga pahiwatig at pahayag kung sino-sino ang tatakbo. May mga uusbong na biglang sorpresa. May mga sagot sa katanungan. May kung ano-ano pang kuntil-butil sa hinaharap.

Isa sa malinaw na mangyayari ay ang pagkalusaw ng koalisyon na nagdala ng tagumpay kay Duterte. Kakalas ang mga Marcos at mayorya ng puwersang loyalista (kung mayroon natira) sa koalisyon. Mukhang si Imee at hindi si Bongbong ang sasabak. Sakitin si BBM at malamang na hindi kayanin ang kampanya.

Mukhang nahati ang PDP-Laban na pinamumunuan umano ni Manny Pacquiao. May paksyon sa lapian na itinatag noong 1982 upang labanan ang diktadurya ni Ferdinand Marcos ang pumapabor sa kandidatura ni Mane. May isang paksyon na pabor kay Bong Go, ang alalay ni Duterte. Ito ang mahirap sa PDP-Laban, hindi nagkakaintindihan ang mga pulitikong nagsasalita sa Bisaya, o Cebuano.

Hindi natin alam ang plano ng mga lapian na nakabase sa Luzon. Kanya-kanyang baraha sila at walang pakitahan kahit sa mga kasama sa koalisyon. Ang magpakita ng baraha, talo sa unang bakbakan. Tatakbo ba si Alan Peter Cayetano hindi sa ilalim ng Partido ng Saranggola ni Pepe o sa kanyang grupo BTS (bedtime stories?)? Hindi malinaw. Abangan ang susunod na kabanata.

***

DUMAGSA ang pagtutol sa paghimpil ng mahigit 200 sasakyang pandagat ng China sa West Philippine Sea. Hindi lang Estados Unidos ang umangal. Nakialam pati ang mga bansa na malayang mundo tulad ng Britanya, Japan, Pransiya, India, New Zealand, Australia, Canada, at iba pa. Hindi kalakasan ang puwersang pandagat ng mga bansa sa European Union, ngunit nagpahayag sila ng pagtutol.

Daanan ng kalakalang pandaigdigan ang South China Sea – langis mula sa Gitnang Silangan at mga industrial at consumer items galing sa mga bansang maunlad. Aabot sa lampas $5.3 trilyon ang halaga ng mga kalakal na dumadaan sa South China Sea. Bahagi ng South China Sea ang West Philippine Sea, sa maikli.

Mukhang napapahiya si Duterte dahil may mahalaga pa sa ibang bansa ang paglusob ng mga sasakyang pandagat ng mga Intsik kesa sa Filipinas. Napilitan nagsalita ag tila bangag na lider na sa harap ng sugo ng China, binanggit niya ang 2016 desisyon ng UNCLOS Permanent Arbitral Commission na hindi pag-aari ng China ang South China Sea.

Bahagi ng international law ang desisyon na tinututulan ang teyoryang Nine-Dash Line nap ag-aari ng China ang South China Sea. Walang batayan at kathang isip lamang ang teyoryang Nine-Dash Line, ayon sa hatol. Ito ang pinanghahawakan ng Estados Unidos at kaalyado sa kanilang pagpunta sa South China Sea sa ilalim ng kalayaan ng paglalayag. Walang maisagot na maayos ang China. Uurong ang mga Intsik sa hinaharap. Hindi sila sanay sa bakbakan.

Mapapansin na sa mga pahayag ni Biden at iba pang lider ng malayang mundo, nililinaw niya ang kanilang pagkadismaya sa Chinese Communist Party at hindi sa mismong pamahalaan ng China. Nilalagyan nila ng kuwalipikasyon ang kanilang paninisi. Kalakip palagi ang naghaharing partido ng Intsik.

***

QUOTE UNQUOTE: “The U.S. tells China to leave Philippine waters. Sen. Bong Go says that might anger China and attack us. I don’t see the logic.” – Roly Eclevia, netizen

“Harry Roque is now the spokesman of China. Treat him as another traitor or Makapili. He tells no lies for China.” – PL, netizen