Advertisers

Advertisers

Sanya napa-wow ang netizens sa bikini post

0 695

Advertisers

Ni BKC

LALONG nagpainit ang Kapuso star na si Sanya Lopez matapos niyang mag-post ng sexy bikini photos sa kanyang Instagram account.

Kuha ang mga ito sa beach resort sa Batangas na pagmamay-ari ng kanyang ‘First Yaya’ leading man na si Gabby Concepcion.



Nagsilbing pahinga ito ng cast sa tatlong sunud-sunod na lock-in tapings para sa bagong primetime series. Kasama ang co-star na si Kakai Bautista, nagtampisaw ang dalawa sa dagat at talaga namang pinusuan ng fans ang kanilang posts sa social media.

Daan-libong likes at mga papuri sa comments section ang natanggap ni Sanya. Sey ng karamihan, blooming ang aktres at bagay na bagay ang suot na swimsuit!

Kasalukuyang napapanood si Sanya as Yaya Melody katambal si Gabby bilang President Glenn Acosta sa ‘First Yaya’ gabi-gabi sa GMA Telebabad.

***

I Can See You: On My Way To You, patok sa netizens



Umani ng positive feedback mula sa netizens at viewers ang unang episode ng ikalawang season ng I Can See You na On My Way To You na nagsimula na nitong Lunes.

Tampok sa mini-series ang Kapuso stars na sina Ruru Madrid, Shaira Diaz, Gil Cuerva, Arra San Agustin, Ashley Rivera, Malou de Guzman, at Richard Yap.

Kuwento ito ng isang viral runaway bride na makikilala ang isang lalaking tinakbuhan naman ng kanyang bride-to-be.

Aprubado sa netizens ang kakaiba at nakakaaliw na kwento ng series matapos magtrend sa twitter ang #ICSYOnMyWayToYou.

Ani isang Twitter user, “I love how GMA mastered the art of romcoms and light romantic series. #ICSYOnMyWayToYou.”

Subaybayan ang nakakikilig na tambalan nina Shaira at Ruru sa “On My Way to You,” 8:50 PM, sa GMA Telebabad.