Advertisers

Advertisers

Gaya ni Ate Vi kay Luis… Sharon atat na ring magkaapo kay KC; Jake super miss na ang anak na si Ellie, sinundo sa Siargao

0 283

Advertisers

Ni Gerry Ocampo

TULAD ni Congw. Vilma Santos na dalangin na bigyan na siya ng apo ng anak na si Luis Manzano, ganoon din ang hangad ni Sharon Cuneta na magkaroon na rin ng apo kay KC Concepcion.

Dahil sa sobrang inip nang magkaapo ng Megastar, kahit daw mag-surrogate na lang si KC  para magka-baby lang ay masaya na siya.



May follower kasi na nag-wish sa Megastar nang i-post niya ang photos nila nina KC at Gabby Concepcion na may caption na, “This  girl  is the  very  best  thing  we  ever  did  together @itskconcepcion, Right, Papi?  @concepciongabbyoncewewereafamily” na wala pa akong  nababasang  sagot  ni  Gabby habang sinusulat  ito.

“Inip na inip na nga ako! Kahit magpasurrogate  na lang si Kayce masaya na ako basta eggs niya!”  sagot ng Megastar.

Kaya tila matatagalan pa magkaapo si Sharon dahil sa ngayon ay walang masasabing seryosong karelasyon si KC, kahit na may nagsasabi at nakakita na magkasama sila ni Apl.de. Ap  ay magkaibigan lang daw sila.

***

Fast  food ni Alden may Al Fresco na



Level up na ang McDonalds franchise branch ni Alden Richards  sa Binan Highway sa Binan City, Laguna dahil  may al fresco dining area na ito na matatagpuan sa harap ng store.

Ipinost nga ni Alden ang bagong area sa fast food  sa Facebook at aniya, “Regardless of the circumstances  coming  our  way nowadays, we  will always deliver quality service for  our  customers.”

Siniguro ni Alden na maganda ang pagkakagawa at pagkakapuwesto ng al fresco dining area. Sinusunod ang protocol na social  distancing habang nag-e-enjoy sa inorder na pagkain.

Sa ngayon ay hinihintay ang  pagbubukas ng bagong resto ni Alden. Nasabi na ito ni Alden nang makausap ng ilang press na may nakahanda na silang ilang menu sa bagong resto na ipatatayo.

***

SABI nga pagdating sa anak ay hindi matitiis ng magulang na hindi makita nang matagal. Ganyan ang nadarama ngayon ni Jake Ejercito sa kanyang anak.

Hindi na matiis at makayanan ni Jake na hindi makita si Ellie, anak nila ni Andi Eigenmann kaya sa kauna-unahan pagkakataon ay bumiyahe  ito  papuntang Siargao para sunduin  ang anak. Magkatulong na pinalalaki nina Jake at Andi si Ellie.

Dahil sa Covid-19 pandemic  last year, matagal na nakasama ni Jake ang anak habang nasa Siargao si Andi  kasama si Lilo, ang anak nila ng surfer na si Philmar Alipayo.

Matapos kasing isilang ni Andi si Lilo, baby boy nila ni Philmar, isinama na niya muli si Ellie sa Siargao kaya sinundo na siya ni Jake.

“First  time  in Siargao, to collect  the  offspring,”  tweet ni Jake.