Advertisers

Advertisers

BUONG ESPAÑA BLVD., PINAILAWAN NI ISKO

Para iwas krimen:

0 295

Advertisers

PARA iwas krimen, pinailawan ni Manila City Mayor Isko Moreno ang buong kahabaan ng España Boulevard sa Sampaloc, at sinabi pa ng alkalde na marami pang kalye ang susunod.

Inanunsyo rin ni Moreno na lalagyan ng closed circuit television (CCTV) cameras at connectivity ang nasabing lugar.

“Wala nang hanapbuhay ang mga tolongges sa España. ..maliwanag na,” pahayag ni Moreno kasabay ng pasasalamat nito kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Mark Villar, city engineer Armand Andres at city electrician Randy Sadac dahil sa pagtulong upang matagumpay ang lahat.



Sa nasabi ring lugar ay inilunsad ni Moreno, kasama si Vice Mayor Honey Lacuna, ang planong pagtatayo ng ‘wifi city’ sa pamamagitan ng pagkakaloob ng connectivity sa 34 lugar na magsisimula sa España patungong Welcome Rotonda, na siyang boundary ng Manila at Quezon City.

Ang proyekto na tinawag na ‘MLAKonek, ay magkakaloob ngWiFi connection sa may 100 devices sa nasabing lugar.

Ayon kay Moreno, ito ay libre para sa lahat ng gustong gumamit at gustong makakuha ng impormasyon online o makipagkumustahan sa kanilang mga kaibigan at mahal sa buhay online.

Ang nasabing lugar ay lugar kung saan naghilera ang mga establisyemento na pawang ang negosyo ay para sa mga estudyante, partikular ang boarding houses, dormitories at learning institutions, tulad ng University of Sto. Tomas.

Ayon pa sa alkalde, ay mayroong free connectivity na may 30mb download speed at 50mb upload para sa mga users.



“Maliwanag na, may CCTV na, may wifi na. Next, katakot-takot na camera ang ilalagay diyan. Kaya sigurado, sisikat kayo. Wala kayong puwang sa Maynila,” pahayag pa ni Moreno na may parating na salita sa mga elementong kriminal.

Ayon pa sa alkalde ay nagpahayag na ng pasasalamat ang mga estudyante, at mga manggagawa na nakatira sa mga dorms at boarding houses sa ginawa niyang pagpapaliwanag ng nasabing lugar dahil panatag na silang makakapaglakad dito lalo na sa gabi ng walang kaba. (Andi Garcia)