Advertisers

Advertisers

Mag-asawa nalitson ng buhay sa QC

0 308

Advertisers

NASAWI ang mag-asawang senior citizens sa sunog sa Barangay Roxas District, Quezon City nitong Huwebes ng madaling-araw.
Kinilala ang mga biktima na sina Mariano Mejia Jr., bedridden; at Benita Mejia, kapwa 80 taong gulang.
Inaalam pa ng mga taga-Bureau of Fire Protection ang sanhi ng apoy na sumiklab ala-una ng magaling-araw at naapula makalipas ang isang oras.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga fire marshal, tupok na tupok at wala nang mapapakinabangan sa mga gamit ng nasunog na bahay.
Hindi nakalabas ang dalawang matanda sa bahay sa kasagsagan ng sunog at natagpuan ang kanilang mga bangkay sa kuwarto.
Binalikan umano ng matandang babae ang kaniyang asawang nakaratay sa banig, at doon bumagsak ang kahoy na sahig ng second floor ng bahay dahil may kalumaan na ito, na ikinamatay ng dalawa.
Aabot sa P3 milyon ang pinsala ng sunog.(Boy Celario/Ernie dela Cruz)