Advertisers

Advertisers

Habambuhay kulong sa 2 bebot sa kasong human trafficking

0 318

Advertisers

HINATULAN ng korte ng habambuhay na pagkabilanggo ang dalawang babae na naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kasong ‘human trafficking’.
Ayon sa NBI, habambuhay na pagkakakulong ang ipinataw ng Sta Cruz, Laguna Family Court Branch 6 sa mga akusado na sina Mary Jane Mendoza at Magdalena Viray.
Sa report, taon 2019 nang maaresto ng NBI- Anti-Violence Against Women and Children Division (NBI-AVAWCD) ang dalawang akusado sa entrapment operation kasama si Warren Masacaya kungsaan nasagip ang dalawang babaeng biktima kabilang ang tatlong menor de edad.
Ayon sa desisyon ng korte, napatunayang ‘guilty beyond reasonable doubt’ sina Mendoza at Viray at napatawan ng 5 counts ‘Qualified Trafficking in Persons’ bukod pa sa ‘life imprisonment’ sa bawat bilang.
Inatasan din ng korte ang mga akusado na magbayad ng tig-P2 milyon ng walang parole at bayaran din ang bawat pribadong complainants ng halagang P200 libo bilang moral damages at P100 libo bilang exemplary damages.
Pinawalang sala naman ng korte si Masacayan dahil sa kabiguan ng pag-uusig na patunayan ang pagkakasala nito. (Jocelyn Domenden)