Advertisers
DALAWANG bangkay ng miyembro ng New People Army (NPA) ang natagpuan sa Labo, Camarines Norte.
Sa report, 7:42 ng umaga nang matagpuan ng mga nagpapatrolya elemento ng 94th Special Action Company at Regional Mobile Force Battalion 5 sa Barangay Dumagmang, Labo.
Ayon sa ulat, tinakpan ng mga dahon ng niyog ang 2 bangkay na pinaniniwalaang kabilang sa mga naka- engkwentro ng mga elemento ng 2nd Provincial Mobile Force Company sa pananambang sa mga otoridad na ikinasawi ng 5 pulis at pagkakasugat ng 2.
Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng 2 bangkay. (Mark Obleada)