Advertisers

Advertisers

Dalagitang tulak timbog sa buy-bust sa Pateros

0 307

Advertisers

ARESTADO ang 18-anyos na babae na tulak ng droga sa Pateros City.
Ayon sa Southern Police District, nagkasa ng buy-bust operation ang District Drugs Enforcement Unit laban kay Norasia Marohombsar sa Barangay San Roque, Lunes ng gabi.
Nakuha kay Marohombsar ang isang plastic sachet ng shabu na 60 gramo at nagkakahalaga ng P408,000.
Ayon kay SPD DDEU Chief, Maj. Mark Gatdula, isa si Marohombsar sa mga sangkot sa pagtutulak ng droga sa Maharlika Village sa Taguig City, pero hirap matugis ng mga pulis noon. (Gaynor Bonilla)