Advertisers

Advertisers

Lider at 7 miembro ng sindikato ng namemeke ng pera timbog

0 219

Advertisers

NADAKIP din ang isang sindikato na sangkot sa pamemeke ng iba’t ibang halaga ng pera at bank notes sa entrapment operation sa lalawigan ng Isabela.
Kabilang sa mga natimbog ang lider ng grupo na si Minerva Roan, 53 anyos ng Barangay San Pedro, Angono, Rizal; at kanyang pitong miyembro na sina Fe Borromeo, 67, ng Santo Nino, San Mateo, Rizal; Michelle Quitalib, 63, ng District 3, Cauayan City; Pilar Castillejo, 64, ng Nungnungan, Cauayan City; Monette Baronia, 41, ng District 3, Cauayan City; Rowena De Guzman, 53, ng Quirino, Maria Aurora, Aurora; Aji Marquez, 25, ng Sinimbaan, Roxas, Isabela; at Jay Mark Bredico, ng Masaya Sur, San Agustin, Isabela.
Ayon kay LtCol Andree Abella, tagapagsalita ng PNP Region 2, modus ng sindikato na magbenta ng pekeng US dollars at foreign dollar bank notes, lumang Philippine Currency at bank statement certificate na inangkat pa sa ibang bansa at nag-ooperate sa NCR, Region 4A at RO2.
Pinapaniwala ng sindikato ang mga biktima na gawa sa gold ang mga pera na may mataas na halaga at katumbas ng mga pera ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na nakadeposito sa ibang bansa.
Sinabi ni Abella na ang mga nakumpiskang foreign currencies na nagkakahalaga ng trillion dollars ay demonetized na o wala nang halaga.
Nakumpiska rin sa mga suspek ang pitong bala ng caliber .45 na baril, boodle money na P2 milyon at ang ginamit na sasakyan
Nahaharap ang mga suspek ng kasong Illegal Possession and Use of Bank Notes and Other Instrument of Credit at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.